^

Metro

Bangkay ng lalaki sa wheelchair, inabandona

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga tauhan ng Malabon City Police ang natagpuang bangkay ng isang lalaki na nakaupo sa isang wheelchair na umano’y iniwan ng hindi pa kilalang suspek na nakasakay sa isang puting van kahapon sa isang bakanteng lote sa nabanggit na siyudad. Inilarawan lamang ng pu­lisya ang biktima na nasa edad 30-35, may taas 5’4, katamtaman ang pangangatawan, ka­yumanggi­, may tattoo sa dibdib na hugis puso at nakaukit ang pangalan “Joy”, nakasuot ng sando-short, violet jacket, nakasumbrero, at may bracelet na tatak na “Joy Love Jake”. Sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Mc Arthur Highway, Brgy.Potrero, Malabon City.

Ayon sa pahayag ni Roderick Patawi, nakita nito ang biktima na nakaupo sa isang wheelchair sa bakanteng lote sa nasabing lugar­, dahilan upang kanyang lapitan ito para matulungan at sa kanyang paglapit ay doon niya nabatid na hindi ito guma­galaw kaya agad niyang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad. Nang respondehan ng pulisya ay doon nadiskubreng patay na ang bik­tima. Wala namang­ nakitang anumang sugat ito sa katawan. Ayon naman sa ilang saksi, nakita­ nilang ibinaba ang biktima sa isang puting van na walang plaka, saka mabilis na tumakas sa di-malamang direk­syon. Ang bangkay ng biktima ay nasa Nate Funeral Homes, Caloocan­ City at isasailalim na rin sa autopsy.

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN

JOY LOVE JAKE

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MC ARTHUR HIGHWAY

NATE FUNERAL HOMES

RODERICK PATAWI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with