^

Metro

2 mandurukot 'itinumba'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang hinihinalang mandurukot nang pagbabarilin at saksakin pa sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspect habang nag-aabang umano ng mabibiktima, sa Tondo, Maynila, kahapon umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodrigo Narra, alyas “Barok” at Maryjane de Vera, alyas “Jing”, 32, dalaga.

Wala namang nakakita sa hitsura ng dalawang lalaking suspect na armado ng calibre .45 baril at patalim dahil kapwa nakatakip ng panyo ang mga mukha.

Napag-alaman na dakong alas-5:30 ng uma­ga nang maganap ang pamamaril sa Juan Luna St., malapit sa kanto ng C. M. Recto Ave., Tondo.

Nabatid na biglang lumapit ang isa sa dalawang suspect at pinagbabaril ang dalawang sinasabing mandurukot.

Nang bumulagta ay saka naman lumapit ang isa pang suspect at pinagsasaksak si Narra hanggang bawian ito ng buhay.

Ayon sa awtoridad, posibleng ang dalawa na kilala umanong no­toryus na mandurukot sa lugar ay niresbakan ng kanilang mga nabiktima. 

vuukle comment

AYON

BAROK

JUAN LUNA ST.

KINILALA

MAYNILA

NABATID

NANG

RECTO AVE

RODRIGO NARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with