^

Metro

Binugbog na pulis namaril ng mag-utol

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan naman ang nakaka­tandang kapatid nito nang mabaril ng isang pulis sa loob ng pampasaherong bus, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang nasawi na si Froilan Mercado, 26, habang nilalapatan naman ng lunas sa Mandaluyong Medical Center ang kuya nito na si Francis Albert, 30, call center agent at kap­wa residente ng Canlubang, Laguna.

Sumuko naman sa mga tauhan ng Mandaluyong PNP ang suspek na si PO1 Joel Donceras Basas, nakatalaga sa PNP Maritime Group sa Camp Crame.

Sa ulat ng Mandaluyong police, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng gabi sa loob ng Cher Transport bus (TYW-988) na bumabagtas sa EDSA sa tapat ng CLMC Bldg. sa Brgy. Wack-Wack, ng naturang lungsod.

Kapwa lasing at makulit umano ang magkapatid na Mercado sanhi upang magkaroon ang mga ito ng kasagutan na pasahero rin ng bus. Sinabi ni Basas na tinangka niyang papayapain ang mga ito nang magpakilalang pulis ngunit sa halip na tumugon ay siya ang pinagbalingan ng magkapatid na Mercado.

Kinuwestiyon umano ng mga ito ang kanyang pagiging pulis at pinagtulungan siyang gulpihin. Nakakuha naman ng pag­kakataon si Basas na ma­bunot ang kanyang 9mm service pistol na baril at pinaputukan ang dalawang lalaki na umano’y umaatake sa kanya.

vuukle comment

ARMANDO BOLALIN

BASAS

CAMP CRAME

CHER TRANSPORT

FRANCIS ALBERT

FROILAN MERCADO

JOEL DONCERAS BASAS

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with