Salvage victim natagpuan sa QC

MANILA, Philippines - Isang lalake na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakahandusay na nakagapos ang kamay sa lungsod Quezon kahapon. Ang biktima na walang pagkakilanlan ay isinalarawan sa edad na 30-35, may taas na 5’2, payat, nakasuot ng maong pants at walang damit at may tattoo­ sa kanang balikat. Natagpuan ito dakong alas-2:30 ng madaling araw sa may Ilocandio St., corner Pres. Quirino St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Sinasabing naglalakad sa naturang lugar si Anog nang mapuna nito sa lugar ang nakahandusay na katawan ng biktima habang nakagapos at duguan. Naniniwala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinaslang ang biktima at itinapon lamang ito sa pinagkatagpuang lugar para iligaw ang imbestigasyon.

Show comments