3 suspect sa frat war arestado

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila police ang tatlong kaba­taang miyembro ng fraternity matapos mapatay ang isang 19-anyos na lalaki sa naganap na sagupaan ng magkalabang fraternity noong Martes ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Tolentino Santos, 19; Arnel Jio, 17 at si Edison dela Paz, 21, pawang mga miyem­bro ng Loyola and Marquitos Hood Gang.

Ang tatlo ay kabilang sa may 30-miyembro ng Loyola­ and Marquitos Hood Gang na nakasagupa at naka­ram­bulan ng Istomo Youngters Gang na kinabibilangan ng nasawing­ biktima na si Henry Carpio sa naganap na rambol.

Show comments