^

Metro

Sanggol itinapon ng ina, pinapak ng mga daga

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang bagong pa­nganak na lalaking sanggol na itinapon ng kanyang ina sa isang basurahan kung saan doon ito tuluyang pi­napak ng mga daga sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Tinatayang ilang araw nang patay ang sanggol na nang matagpuan ay nakakabit pa ang umbilical cord sa isang basurahan sa Kagitingan St., Brgy. Muzon ng nasabing lungsod dakong alas-7:00 ng umaga.

Ayon pa sa pahayag ng ilang residente, ilang araw na silang nakakaamoy ng mabaho sa kanilang lugar ngunit dahil malapit lamang sa basurahan ay inakala ng mga ito na kasama ito sa nangangamoy na basura.

Bago madiskubre ang sanggol ay napansin din ng mga residente na dumami ang daga na pabalik-balik sa naturang basurahan hanggang sa isa sa residente rito ang nakapansin sa patay na beybi.

Agad na ipinagbigay- alam ng mga residente ang insidente at sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na ang kaliwang kamay nito ay halos ubos na dahil sa ginawang pag­ngatngat ng mga daga.

vuukle comment

AYON

BASURAHAN

BRGY

KAGITINGAN ST.

KALUNUS

MALABON CITY

MUZON

RESIDENTE

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with