^

Metro

Kelot patay matapos makuryente, mahulog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - “Panoorin n’yo ako sa TV, makikita nyo ako doon, sikat na ako”.

Ito ang hu­ling text message na ipinadala ng isang lalaki sa kanyang kaibigan na nakilala lamang sa pangalang “Nonoy”, na umakyat at nakuryente sa poste ng Meralco, bago tulu­yang bumag­sak sa se­mento at mamatay kahapon ng umaga sa Quezon City.

Batay sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez ng QCPD-CIDU, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng Tooth Town Dental clinic sa Timog Ave., corner Sct. Esguerra, Bgy. Sacred Hearth sa lungsod.

Bago ito, nakatakda sanang makipagkita ang biktima sa kanyang girlfriend sa may Farmer’s Plaza sa Cubao ganap na alas-7 ng umaga­.

Dito ay nagpalitan ng mensahe ang biktima at girlfriend nito kung saan inirereklamo ng una na wala pa siyang tulog at kailangang makausap niya ang huli.

Nang hindi duma­ting ang kanyang girlfriend, nainip ang biktima at nagpasyang magtungo sa istasyon ng GMA-7.

Umakyat sa puno ang biktima saka mu­ling nagpadala ng text kay “Nonoy” na nag-aanyaya na pano­orin siya sa telebisyon dahil nasa itaas na umano siya at tingnan ang kanyang posisyon.

“Para akong lineman, sikat na ako nasa TV na ko nandito ang GMA,” nakasaad pa sa text ng biktima.

Habang nasa puno, nagpasya ang biktima na lumipat sa mas ma­taas na lugar at nakita ang katabing poste ng Meralco kung saan pagkapit nito sa kawad ay biglang nakuryente at bumagsak sa semento.

Ayon pa kay Her­nandez, maaring malaki ang problemang dina­dala ng biktima at gusto lamang kumuha ng atensyon sa kanyang mga kaanak kung kaya umakyat sa  puno, pero minalas na makuryente at mamatay.

vuukle comment

JOGENE HERNANDEZ

MERALCO

NONOY

QUEZON CITY

SACRED HEARTH

SHY

TIMOG AVE

TOOTH TOWN DENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with