^

Metro

Dalagita patay sa hit-and-run

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinutugis ngayon ng Quezon City Police ang driver ng isang Mitsubishi Strada matapos na ma hit-and-run nito ang apat na kabataang babae kung saan isa rito ang nasawi, habang sugatan ang tatlo pa sa lungsod, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay PO3 Henry Luna ng Traffic Sector 4 ng QCPD, kasalukuyang inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng driver ng nasabing sasak­yan na may plakang ZJF-857 na responsable sa pagkakabangga sa mga biktima sa may Santolan Road sa lungsod.

Sa naturang insidente nasawi ang biktimang si Bianca­ Marco, residente sa Matimyas St., Santolan Road sa lungsod. Habang sugatan naman ang mga kaibigan nitong sina Patricia Marco, Herveline Santiago, at Christin Balite, 15, na agad namang nilapatan ng lunas sa San Juan Medical Center.

Nangyari ang insidente sa may Santolan Road, ganap na alas- 6 ng umaga.

Diumano, tinatahak ng nasabing sasakyan ang direksyon ng Granda St., patungong P. Guevarra nang mabunggo nito ang mga biktima na naglalakad naman sa may sidewalk dito.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima dahilan para magtamo ang mga ito ng sugat sa kanilang mga katawan, habang ang nasabing sasakyan sa halip na huminto ay tinakasan ang mga una.

vuukle comment

CHRISTIN BALITE

GRANDA ST.

HENRY LUNA

HERVELINE SANTIAGO

MATIMYAS ST.

MITSUBISHI STRADA

PATRICIA MARCO

QUEZON CITY POLICE

SANTOLAN ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with