^

Metro

'Sintunado' binoga, patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagwawala ma­tapos na kantiyawan na sintunadong kumanta, isang bi­nata ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Archie Bayud, 22, ng Brgy. Tonsuya ng nabanggit na si­yudad na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at leeg.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga ka­gawad ng Malabon City Police laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng mada­ling araw sa isang peryahan sa Paradise Village sa nabanggit na barangay.

Nabatid na lasing na ang biktima nang lapitan nito ang suspek habang kumakanta. Inagaw ng biktima ang micro­phone sa suspek at siya ang kumanta.

Kinantiyawan naman ng suspect ang biktima sa sintunado umano nitong pagkanta hanggang sa magalit ang huli sa una at pinagmumura.

Dahil dito tuluyang na­asar ang suspect at binunot ang dalang baril saka binaril sa biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Mabilis namang tumakas ang suspect.

vuukle comment

ARCHIE BAYUD

BRGY

DAHIL

INAGAW

KINANTIYAWAN

MABILIS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

PARADISE VILLAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with