Obrero 'kinain' ng makina

MANILA, Philippines - Isang factory worker ang nasawi matapos maipit sa makina sa pinapasukan nitong pabrika ng sinulid sa Valenzuela City kahapon ng tanghali. Dead-on-the-spot sanhi ng matinding pinsala sa katawan si Juanito Cariño, 49, ng Bukal, Barangay Lawang Bato, Meycauyan, Bulacan.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, nabatid na dakong alas-12:40 ng tanghali, nang maipit ang katawan ng biktima sa isang makina na matatagpuan sa loob ng Artic Mapian sa T. Santiago St., Brgy. Vicente Reales ng nabanggit na lungsod. Nabatid na kasalukuyan nagtratrabaho ang biktima nang kainin ng makina na paggawa ng sinulid ang katawan nito. Hindi na naitakbo ang biktima sa ospital dahil kaagad itong binawian ng buhay sanhi ng pinsala sa katawan.

Show comments