^

Metro

2 biktima ni 'Boni and Clayd' lumutang

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Matapos ang pagkakadakip sa tinaguriang “Boni and Clayd”, dalawa pang taxi driver na biktima nila ang lumutang kahapon sa himpilan ng Quezon City Police upang sampahan ng reklamo ang mga ito.

Sa harap ni QCPD director General Benjardi Man­tele, personal na iti­nuro ng mga biktimang sina Jerry Entrina at Mi­chael Hilado ang mga sus­pect na sina Leonard Lopez, 28, residente ng B7 Sunflower St., Karuhatan Pasig City at Anna Garcia, 20 ng Road 1, Bgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City na nangholdap at tuma­ngay ng pinapasada nilang taxi kamakailan.

Ayon kay Entrina, Dis­yembre 22 nang holdapin siya ng mga suspect sa may Fairview, Q.C. at kinuha ang kanyang pera at taxi na may tatak na Angel-Mar (TXZ-779).

Dahil sa naturang insi­dente, si Entrina ay ipinakulong umano ng kanyang ope­­rator matapos na pagbintangang kasabwat ng mga suspect sa naturang operasyon.

Sinasabing kalalaya lamang ni Entrina  at kagaga­ling lamang sa hearing sa kanyang kaso nang mabalitaang may naarestong dalawang taxi holdup suspects. Agad siyang nagpunta sa QCPD at nakilala ang mga ito na siyang humoldap sa kanya.

Enero 4, 2011 nang holdapin naman ng mga suspect si Hilado sa may Mendez Baesa at tangayin ang kanyang NVBS taxi na may plakang UVG-446.

Ayon sa dalawa, pagkakataon na rin nila para malaman kung saan dinala ng mga ito ang kanilang mga sasakyan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila natatagpuan.

vuukle comment

ANNA GARCIA

AYON

BONI AND CLAYD

ENTRINA

GENERAL BENJARDI MAN

HILADO

JERRY ENTRINA

KARUHATAN PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with