Negosyante sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 50-anyos na babaeng may-ari ng isang travel agency, nang barilin ng isang di nakilalang lalaki sa paglabas nito sa kanyang tanggapan, kamakalawa ng gabi  sa Binondo, Maynila.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital ang biktimang si Ana Grace Rosales, may-ari ng China Golden Bridge Travel Agency na matatagpuan sa   Hormiga St., Binondo, Maynila.

Ayon kay sa ulat, dakong  alas-6:15 ng gabi  nang  barilin ang biktima habang naglalakad sa Hormiga St, malapit sa panulukan ng Quin­tin Paredes St., Binondo.

Isang lalaki umano ang nakitang sumusunod sa biktima nang lumabas ito ng tanggapan at nang mapalapit sa biktima ay bigla na lamang itong binaril saka mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, walang anggulong holdap o pagnanakaw sa insidente dahil intact ang lahat ng gamit ng biktima.Blangko pa ang pulisya sa mo­­tibo sa pamamaril.

Show comments