^

Metro

Tanod inutas, itinapon sa ilog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang pinatay sa saksak ng dalawang kalalakihan at itinapon pa sa maruming ilog sa  Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Leonardo Santos, 61, ng #10 R. Magsaysay St., Araneta Compound, Bgy. Potrero ng na­sabing lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang mga suspect na sina Anthony Moreno, 29 at Jason Barbacina, 22, kapwa naninirahan sa R. Magsaysay St., ng nabanggit na barangay.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi,   ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Kasalukuyang naglalakad pauwi ang biktima sa naturang lugar galing sa pakikipag-inu­man nang makasalubong nito ang dalawang suspect na armado ng patalim.

Agad na pinagtulungang saksakin ng mga suspect ang biktima at nang masigurong patay na ay mabilis ding hinagis ang bangkay sa ilog.

Sa pagkakataong ito ay nakita ng ilang residente ang ginawang pagtapon ng mga suspect sa bangkay ng biktima kaya’t agad nilang inireport sa pulisya. 

vuukle comment

ANTHONY MORENO

ARANETA COMPOUND

BGY

ISANG

JASON BARBACINA

LEONARDO SANTOS

MAGSAYSAY ST.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with