^

Metro

2 kelot sinalvage

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng dalawang lalaki na natagpuang magka-krus ang posisyon, nakabalot ang  mukha ng packaging tape at kapwa nakagapos ng lubid ang mga kamay at paa, na itinambak lamang sa kalye, sa Quiapo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Isa sa mga biktima ay nakilalang si Raymart Lansangan, 20,  habang ang isa naman ay nakilala lamang sa pangalang “Macmac Toquero”, 20.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:40 ng madaling-araw nang matagpuang patay ang mga biktima sa Ma. Carpena St., Quiapo, Manila. Nauna rito, nakarinig ang ilang istambay ng apat na sunud-sunod na putok sa nasabing lugar hanggang sa may lumabas na isang kulay gray na Sedan at dalawang scooter patungo sa direksiyon ng Claro M. Recto.  

Nagtamo rin ng tama ng bala sa  mukha at likod ang unang biktima habang ang ikalawa naman ay nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at ulo. Hinala ng pulisya na biktima ng salvage ang dalawa dahil sa pamamaraan ng pagpatay sa kanila bagama’t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Ang bangkay ng mga biktima ay kapwa dinala sa St. Patrick Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

CARPENA ST.

CLARO M

HINALA

ISA

MACMAC TOQUERO

MALAGIM

MAYNILA

NAGTAMO

RAYMART LANSANGAN

ST. PATRICK FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with