7 bading timbog sa cyber sex

MANILA, Philippines - Arestado ang pitong ba­ding­ nang mahuli sa aktong nakikipag-chat sa internet at umaaktong mga babae sa isang cyber sex den sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ipinagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Per­pect na sina Rolando Parado, 34;  Bernard Sy, 25, Orly Cadawan, 27; Michael Lopez, 30; Boner Hamor, 27; Robert Hamor, 22 at Bryan Gumban, 22.

Sa ulat ni Manila Police District-Station 2, chief, P/Supt. Ernesto Tendero, dakong alas-5:00 ng madaling araw kahapon nang pasukin ang bahay ni Hamor sa Moriones.

Bago ang pagsalakay, na­katanggap ng impormasyon  ang nasabing presinto hinggil sa ‘cybersex den’ sa kanilang hurisdiksiyon kaya isinagawa ang surveillance at nang matiyak ay saka isi­nagawa ang raid kung saan naaktuhan pang nakikipag-chat sa internet na may web cam ang mga suspect.

Nakapiit na ang mga suspect at ipinagharap ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office.

Show comments