Inuman niratrat: 1 patay, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Isa ang patay habang tatlo pa ang malubhang nasugatan   matapos paulanan ng bala ng apat na motorcycle riders ang umpukan ng kanilang inuman sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Verallio, 28, ng Seve­­­rino Reyes St., Sta. Cruz, May­nila habang malubha namang nasugatan ang mga kainuman nito na sina Marvin Morales, 43; Gary Gavion, 39, at Paul Michael Marcos­, 24.

Naganap ang insidente dakong alas-3:10 ng mada­ling araw sa panulukan ng Se­verino at Batangas Sts.

Nabatid na masayang tawanan ang namamayani habang nag-iinuman ang mga biktima nang mapalitan ito ng mga alingawngaw ng putok ng baril sa paglutang ng mga suspect.

Matapos ang pamamaril ay pinaharurot ng mga suspect ang sinasakyang tatlong motorsiklo sa direksiyon ng Jose Abad Santos at saka tumakas.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang motibo at pagkilanlan ng mga suspect.

Show comments