^

Metro

Obrero kinatay ng kelot

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang obrero ang nasawi matapos itong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isang hindi nakikilalang salarin habang papauwi sa kanyang tahanan sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Randy Escobido, may-hawak ng kaso, ang biktima na si Rodolfo Senoja, 35,  ng # 31 Libis Compound, Kalayaan C Extension, Barangay Batasan Hills, sa lungsod.

Ayon kay Escobido, ang biktima ay inatake ng saksak ng hindi nakikilalang suspect sa may Kalayaan C. Extension ganap na alas 5 ng hapon.

Isinalarawan ng testigo ang suspect sa edad na 30 hanggang 40 anyos, nasa pagitan ng 5’3” hanggang 5’6” ang taas, balingkinitan, nakasuot ng maong at polo shirt.

Si Senoja ay nagtamo ng isang tama ng saksak sa kaliwang kilikili at kaliwang dibdib na ikinamatay nito.

Nagawa pang makatakbo, kahit sugatan ang biktima sa bahay pero bumulagta rin ito kung saan idineklara itong dead on arrival matapos isugod sa Fairview General Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng pananaksak sa biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BATASAN HILLS

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

KALAYAAN C

KALAYAAN C EXTENSION

LIBIS COMPOUND

QUEZON CITY

RANDY ESCOBIDO

RODOLFO SENOJA

SI SENOJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with