^

Metro

Guro 'na-sandwich' ng jeep at truck, patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang guro matapos na ‘ma-sandwich’ ng dala­wang sasakyan habang papasakay sa isang jeep sa Caloocan City kamakalawa. Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Elenita Denuevo, 47, nakatira sa Santa Elena, Marikina City. Sumuko naman sa mga pulis sina Reynaldo Domingo, ng Package 3, Bagong Silang, Caloocan City at Sanrex Jellos, ng Mc Arthur Highway, Malinta, Valenzuela City. Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon habang pa­sakay ang biktima sa jeep na pinapasada ni Domingo nang sal­pukin ng minamanehong trailer truck ni Jellos. Sa lakas na pag­ka­kabangga ay naipit ang biktima sa mga nasabing sasakyan na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na naisalba pa ang buhay.  

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DOMINGO

ELENITA DENUEVO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MARIKINA CITY

MC ARTHUR HIGHWAY

REYNALDO DOMINGO

SANREX JELLOS

SANTA ELENA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with