^

Metro

Kelot na nakipaglamay, napatay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaglalamayan na rin ngayon ang isang lalaki na nasaksak sa naganap na rambol sa pinuntahan nitong burol ng kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.           

Nagtamo ng mga saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Roque Bautista, oven operator ng isang pana­derya, at naninirahan sa UPHS-2, Parañaque City.           

Sa imbestigasyon ng Taguig City police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw nang dumayo si Bautista sa burol ng isang kaibigan sa may Raja Sumakwil St. sa naturang lungsod.           

Nanonood umano ng mga nagsusugal ng cara y cruz ang biktima nang biglang magkagulo makaraang magtalo ang mga mananaya ukol sa dayaan. Dito sumiklab ang isang rambol. Nang maawat ang kaguluhan, nadiskubre ang naka­bulagtang biktima na tadtad na ng saksak sa kanyang katawan.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang mga lalaking sangkot sa naturang rambol makaraang magkanya-kanyang tumakas matapos ang insidente. 

vuukle comment

BAUTISTA

DITO

NAGTAMO

NANG

NANONOOD

PINAGHAHANAP

RAJA SUMAKWIL ST.

ROQUE BAUTISTA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with