Helper todas sa Pipa Gang

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng tatlong kalala­kihan na pawang mga miyem­bro ng Pipa Gang ang isang lalaki kahapon ng madaling-araw sa La Loma Quezon City.

Namatay habang gina­gamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang bikti­mang si Ryan Ramos, 19, truck helper at residente ng Mauban St. Brgy. Manresa, Quezon City matapos na mag­tamo ng ma­raming sak­sak sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang Criminal Investigation and Detention Group ng Quezon City Police District laban sa tatlong kala­lakihang miyembro ng na­banggit na fraternity.

Ayon kina PO3 Gregorio Maramag at PO2 Jogene Her­nandez, naganap ang insi­dente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa center island sa panulukan ng Araneta Ave. at Sto. Domingo St . sa La Loma ng nabanggit na lungsod habang nagkuku­wentuhan at nag­lalaro ng magic tricks ang biktima at kaibi­gang si Jefferson dela Cruz nang biglang sumulpot ang mga suspect na armado ng patalim at sinita ang una.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dala­wang panig na nauwi sa pa­nanaksak ng mga suspect sa biktima.

Show comments