Ret. bank employee nag-suicide

MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang retiradong bank employee ma­karaang magbaril sa sarili ka­makalawa sa Quezon City.

Ayon sa ulat ni PO3 Ma­nuelito Juanson, ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police District, si Eduardo Yu, 63, may-asawa ng Block 43, Lot 5, King Henry St., Kings­point Subdivision, Brgy Bagbag, Novaliches Quezon City ay na­diskubreng wala ng buhay na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo ng kan­yang asawang si Lulu Yu sa loob ng kanilang comfort room ganap na alas 11:35 ng gabi.

Sinabi ni Lulu na bago ang insidente, natutulog na silang mag-asawa nang bigla siyang maalimpungatan nang bu­mangon ang biktima. Nag­tungo ang biktima sa kanilang CR na nasa ground floor ng bahay.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig na lamang si Lulu ng putok ng baril mula dito kung kaya’t agad naman niyang tinungo.

Nakita niyang naka­han­dusay at naliligo sa kan­yang sa­riling dugo ang bik­tima na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Sinabi naman ng pulisya na nagsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon upang matu­koy kung may foul play sa insidente.

Show comments