Pipi dinukot, pinilahan ng addict
- Ni Ludy Bermudo () - June 14, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na pipi ang dinukot at hini­hinalang ginahasa at ikinadena ng mga pina­niniwalaang addict na pedicab driver sa Ma­late, Maynila.

Sa pamamagitan ng sign language ng bik­timang itinago sa pa­ngalang “Allysa” sa interpreter na si Atty. Jessica Siquijor Magnanua, isa sa mga suspect ay na­kilala sa pangalang alyas “Toto”, nasa edad 35-40, may taas na 5’7 hang­gang 5’8, mas­­kulado at kalbo habang positibo na­mang nakilala sa photo gallery ang suspect na si Gilbert Mag­payo, ng no. 2143 Leve­riza St., Ma­late, Maynila ka­sama ang isang hindi pa naki­kilalang lalaki.

Ayon kay SPO1 Ju­zemer Feleo ng Manila Police District-Women and Children Desk, na­ganap ang insidente noong Hunyo 8, 2010 (Martes) , dakong 10:00 ng gabi, sa Malate, Maynila.

Papauwi na ang bik­tima galing sa pama­mas­yal sa Baywalk nang big­lang lapitan ng isang lalaki sa tapat ng Manila Zoo at takpan ng panyo ang kanyang ilong at bibig.

Agad na isinakay ng mga suspect ang bik­tima sa pedicab at di­nala sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa biktima.

Nang magkamalay ang biktima ay nakita nito ang sarili na wala ng saplot habang pa­tuloy si “Toto” sa kanyang maka­mundong pagna­nasa habang hawak naman ng dalawa pang suspect ang kanyang magka­bilang kamay at nanonood.

Pinagsusuntok din ni Toto ang biktima sa tiyan nang mapansing nagka­malay na ito kung saan su­­munod namang guma­hasa dito ang dalawa pang suspect.

Matapos isagawa ang kahalayan ay nag-inu­man pa ng alak ang mga suspect at ikina­dena ang mga paa ng biktima.

Dala marahil ng kala­singan ay nakatulog ang mga suspect kung saan nakakita naman ng tiyem­po ang biktima at kinuha ang susi sa mesa.

Nang makatakas ay sinikap ng biktima na makauwi hanggang sa tulungan ito ng tatlong babae at dinala sa ba­ran­gay sa kanilang lugar.

Nabatid na inaaruga ang biktima ng isang ‘nanay-nanayan’ nito sa isang squatter area mala­ pit sa Paraiso ng Batang Maynila.

BATANG MAYNILA BIKTIMA GILBERT MAG JESSICA SIQUIJOR MAGNANUA MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN DESK MANILA ZOO MAYNILA NANG SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with