^

Metro

Mister tinodas sa tabi ni misis

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang mister ang bi­naril at napatay ha­bang natutulog katabi mismo ng kanyang mi­sis sa lungsod Quezon kaha­pon ng madaling-araw.

Si Edilberto Pasam­ba, taxi driver, ng #36 Silangan St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson ay tuluyan nang hindi nakaba­ngon sa higaan, ha­bang nasa tabi ng kan­yang natula­lang misis na si Zoraida, 52, ma­tapos paputukan sa ulo.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumitaw na ang suspect ay na­kilala sa pangalang Efren Sultan, alyas “Ber­dugo.”

Ayon sa ulat, nang­yari ang pamamaril sa loob mismo ng bahay ng bik­tima habang ma­himbing na natutulog ang biktima katabi ang asawa ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Ayon kay Aling Zo­raida, dahil sa alingaw­ngaw ng dalawang pu­tok ng baril, ay nagi­sing siya hanggang sa makita niyang uma­agos na ang dugo sa ulo ng asawa at wala na itong buhay.

Matapos ang pama­maril ay mabilis na tu­ma­kas ang nasabing sus­­pect. Hindi pa ma­batid kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpas­lang dito.

vuukle comment

ALING ZO

APOLONIO SAMSON

AYON

BRGY

EFREN SULTAN

ISANG

KAINGIN BUKID

SHY

SI EDILBERTO PASAM

SILANGAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with