Paslit lunod sa swimming pool, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 9-anyos na batang lalaki makaraang malunod sa swimming pool ng Pasay City Sports Complex, kamakalawa ng hapon.

Tinangka pang isalba ng mga nakatalagang life guard sa pamamagitan ng aplikas­yon ng cardio-pulmonary re­suscitation (CPR) ang bikti­mang si Gideon David saka isinugod sa Pasay City Ge­neral Hospital ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Batay sa report ni SPO2 Allan Valdez ng Station In­vestigation and Detective Management Section ng Pasay police, nagtungo sa naturang sports complex sa Derham Park sa Libertad St. ang biktima kasama ang mga kaanak pasado ala-1 ng hapon upang mag-swimming.

Nagpaalam naman uma­no si David sa magulang na lulusong sa bahagi ng pool na may lalim na 4 feet. Subalit ilang sandali lang ay nakarinig na sila ng pagkakagulo at pag­silbato ng life guard hang­gang iahon na sa gilid ng pool ang wala ng malay na biktima.

Inaalam naman ng pulisya sa imbestigasyon kung may dapat ding panagutan bunga ng kapabayaan ang pamu­nuan ng naturang sports complex, pati na ang mga nakatalagang life guard sa nangyaring trahedya.

Show comments