Panalo ni Lim tiniyak sa Parola at Isla Puting Bato

MANILA, Philippines – Tiniyak ng mga resi­dente ng Parola at Isla Puting Bato na nasa unang distrito ng Maynila ang pagkapanalo sa May 10 elections ni reelectionist Mayor Alfredo Lim bilang ganti sa pagbibigay niya ng libreng edukasyon at lib­reng programang pangka­lu­sugan para sa mga mahihirap.

Sa pagsisimula ng house-to-house campaign ni Lim, hindi matatawaran ang suporta na ibinigay ng mga residente sa dala­wang lugar kasama sina first district Congressman Atong Asilo at mga kandi­dato sa pagkakonsehal na sina Nestor Lim at Nino dela Cruz, at barangay chairman Bing Navarra.

Ayon sa mga resi­dente, lubos ang kanilang pasasalamat kay Lim sa pagpapatayo nito ng Ospital ng Tondo at ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na nagbi­bigay ng libreng serbis­yong medical gayundin ang mga bagong day care centers at public elementary at high school. (Doris Franche)

Show comments