Motor salpok sa poste: 1 patay

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 26-anyos na lalaki habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kon­kretong poste sa Paraña­que City kahapon ng mada­ling-araw.

Agad na nasawi makara­ang mabasag ang bungo si Alvin Rito, ng Block 18 Lot 44 Phase 3 Maryhomes Subdi­vision, Molino 4, Bacoor, Cavite habang inoobserba­han naman ang kondisyon ng 16-anyos na si Richard sa Florencio Bernabe Sr. Me­morial Hospital.

Sa ulat ng Parañaque Traf­fic Management Unit, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng C-5 Road Extension, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Nabatid na magka-angkas ang magkapatid sa isang Suzuki motorcycle na mina­maneho ni Alvin nang ma­walan ng kontrol pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada. Dire-diretsong si­nalpok ng motorsiklo ang konkretong poste ng ilaw sa center island sanhi upang kapwa tumilapon ang mag­kapatid.

Nabasag ang ulo ni Alvin sanhi ng agad nitong kama­tayan habang nagtamo rin ng pinsala sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ang ang­kas na si Richard. (Danilo Garcia)

Show comments