Rider salpok sa van, hati ang katawan

MANILA, Philippines - Halos mahati ang katawan ng isang 33-anyos na lalaki nang sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng isang van kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Sherwin Suratos, residente ng Castañas St., Gatchalian Subdivision Las Piñas City.

Ayon sa ulat, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo (YC9088) at mabilis na tinatahak ang kahabaan ng C-5 Road Extension sa Brgy. Ylaya dakong alas-4:30 ng hapon patungo sa hilagang bahagi nang sumalpok ito sa sinusundang Mazda pick-up van na minamaneho ni Jaime Mateo, 57.

Sa lakas ng impact halos mahati ang katawan ng biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Show comments