^

Metro

Dahil sa pag-ibig, binata nagbigti

-

MANILA, Philippines - Dahil sa problema sa pag-ibig, isang binatang ne­gosyante ang nagpaka­matay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lung­sod Quezon, ayon sa pu­lisya kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Andrei John Austria, 23, buy and sell agent ng sa­sakyan at residente ng Har­vard St., Greenview Subd., Brgy. Sauyo sa lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang inang si Aling Elma pasado alas-12 ng tanghali.

Bago ito, dahil sa hindi lumalabas ang anak sa kuwarto ay nagpasyang puntahan ito ng inang si Aling Elma. Ngunit, ilang ulit na umanong kuma­katok sa pintuan si Aling Elma ay hindi sumasagot ang anak at naka-lock din ang pin­tuan nito, dahilan upang humingi siya ng tulong sa ibang kaanak at awtoridad para mabuksan ang pinto. Sa puntong ito, nang ma­buksan ang pin­tuan ay  tumambad sa ka­nila ang bik­tima na naka­bitin sa kisame gamit ang sinturon at nakasuot lamang ng boxer’s shorts.

Ayon sa pulisya, prob­lema umano sa pag-ibig ang ugat ng pagpapaka­matay ng biktima, bagay na patuloy pa ring ini­imbes­­tigahan sa ngayon. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALING ELMA

ANDREI JOHN AUSTRIA

AYON

BRGY

DAHIL

GREENVIEW SUBD

HAR

KINILALA

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with