Tanod binoga, patay

MANILA, Philippines - Sumabog ang ulo ng 38 anyos na barangay tanod na si Marlon Laurente nang barilin hanggang mapatay ng dalawang lalaking nakamotorsiklo habang nakatayo siya malapit sa labas ng kanyang bahay sa 769 Miguelin St., Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi. Nabatid na may nakaaway umano ang biktima at ng kaibigan nitong si “Paul” noong nakalipas na linggo at posibleng niresbakan lamang ito. (Ludy Bermudo)

Show comments