^

Metro

Ex-actress Aurora Sevilla, tiklo sa shabu

-

MANILA, Philippines - Kulungan ngayon ang ki­ nasadlakan ng dating aktres at beauty queen na si Aurora Sevilla makara­ang ma­aktuhan ng Manda­luyong police na nagbe­benta ng shabu, kamaka­lawa ng gabi sa naturang lungsod.

Nakadetine ngayon sa Mandaluyong detention cell si Sevilla, 46, dating Mut­ya ng Pilipinas title holder noong 1984 at ang buyer na si Rodney Chudian, 31.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-10 kamakalawa ng gabi nang maaresto si Sevilla habang nagkaka­ben­ta­han ng limang gramo ng iligal na droga sa may Kalentong St., sakop ng Daang Bakal, Mandalu­yong at hangganan ng Sta. Ana, Maynila. Ayon sa Anti-Illegal Drugs Division, na­ka­tanggap umano sila ng tip buhat sa isang impor­mante na may maga­ganap na bentahan ng droga sa Ka­lentong. Nang puntahan ng pulisya, dito nila nakilala ang dating aktres at ma­aktu­han ang nagaganap na ben­ta­han kung saan agad na dinakip si Sevilla at si Chudian.   

Itinanggi naman ni Se­villa ang akusasyon sa kanya.  Sinabi nito na nag­tungo siya sa Kalentong upang tumaya sa slot ma­chine nagulat na lamang umano siya nang dumikit sa kanya si Chudian at iabot sa kanya ang dala­wang gramo ng shabu na nakumpiska sa kanya ng mga pulis. (Danilo Garcia)

AURORA SEVILLA

AYON

CHUDIAN

DAANG BAKAL

DANILO GARCIA

DRUGS DIVISION

KALENTONG ST.

RODNEY CHUDIAN

SEVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with