^

Metro

Bukas kotse gang, huli sa akto

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang miyembro ng Bukas Kotse gang matapos itong maaktuhan sa loob ng isang sasakyan na kanyang ninanakawan, sa lungsod Quezon.

Hindi na nagawang makapalag ng suspek na si Melvin Gayago, 19, binata ng Tulip St., Roxas District sa lungsod nang dakpin ng mga awtoridad sa loob mismo ng Ford Everest na pag-aari ni Ramino Santos, 53, government employee at resident sa Narciso St., Roxas district dito.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente pasado alas-6:30 ng gabi sa may Tulip St., Roxas makaraang iparada ng biktima ang kanyang sasakyan at magpunta sa bahay ng kaibigan.

Matapos na iwan ng biktima ang sasakyan, sinamantala ito ng suspek at sinimulang pagnakawan.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa lugar at naispatan ang suspek kung saan agad itong inaresto. Nasamsam sa suspek ang mga gamit na kinulimbat sa biktima. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BUKAS KOTSE

FORD EVEREST

MELVIN GAYAGO

NARCISO ST.

RAMINO SANTOS

RICKY TULIPAT

ROXAS

ROXAS DISTRICT

TULIP ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with