Call center agent dinukot ng 4 na armado

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbestigas­yon ang pamunuan ng Que­zon City Police (QCPD) upang matukoy ang sina­sabing apat na kalalaki­hang nagtangkang dumu­kot sa isang call center agent sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Aksyon ito ng pamu­nuan makaraang dumulog sa tanggapan ng Police Station 10 ang biktimang si Aileen B. Salvador, 40, ng Tolentino St. Brgy. 88 Zone 8, Caloocan City upang hu­mingi ng saklolo makara­ang makaligtas sa nasa­bing mga suspek.

Ayon sa awtoridad, masusi nilang iniimbesti­gahan ang anggulong may kinalaman sa negosyo ng asawa ng biktima ang tangkang pagdukot dito dahil nagkaroon umano ito ng hidwaan sa pinasok na ilang proyekto.

Base sa salaysay ng biktima, nangyari ang insi­dente pasado alas- 9 ng gabi sa may Edsa kanto ng Mother Ignacia Avenue, South Triangle sa lungsod habang siya ay naghi­hintay ng masasakyan pa­pauwi.

Diumano, mula sa kan­yang harap ay pumarada ang isang itim na Sedan na tanging ang nakuha sa plaka ay numerong WBU saka sapilitan siyang isi­nakay.

Sa loob ng sasakyan ay sinimulan ng mga sus­pek ang pananakit at pana­nakot sa biktima habang nakatutok ang patalim, at natigil lamang ito pagsapit sa Muñoz kung saan siya nakatakas.

Ayon sa biktima, ma­aaring pakawala ng mga naging business partner ng kanyang asawa ang mga suspek na naghihiganti matapos na hindi naging maganda ang kinalabasan ng proyektong pinagsama­han nila. (Ricky Tulipat)

Show comments