^

Metro

Matapos mag-trabaho sa abroad, umuwing OFW nagbigti

-

MANILA, Philippines - Dahil sa labis na depresyon, isang overseas Filipino worker (OFW) ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Allan Datuin, 37, binata ng Lot 13, Block 4, Law Science St., Victoria Subdivision, Brgy. Sauyo sa lungsod.

Ayon kay PO3 Randy Bartillo, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan ng kanyang ina na walang buhay na naka­bitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang dog chain ganap na alas-2:40 ng hapon.

Sinasabing si Datuin ay dumating sa bansa noong Marso mula sa bansang Sudan kung saan ito nagtrabaho ng ilang taon. Simula umano nang dumating ay naging malulungkutin ang biktima. Ayon pa sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-2:30 ng hapon sa labas ng kanilang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALLAN DATUIN

AYON

BRGY

DAHIL

DATUIN

KINILALA

LAW SCIENCE ST.

RANDY BARTILLO

RICKY TULIPAT

VICTORIA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with