^

Metro

Mister babaero, misis nagbigti

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pambababae uma­no ng kanyang mister, nagbigti ang isang 28-anyos na ginang na ikinasawi nito sa loob ng ka­nilang bahay, sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Isinugod pa sa Mary Chilles Hospital ang biktimang si Nerissa Villanueva, vendor ng   P. Paredes St., Sampaloc, May­nila subalit wala nang nagawa ang mga doktor at agad idinek­larang patay.

Sa ulat ni Det. Richard Lum­bad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga nang matuklasang nakabigti ang biktima sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Aminado ang mister na si Jonald, mister ng nasawi na nag-away sila ng huli hinggil sa relasyon niya umano sa ibang babae, kamakalawa, dakong alas-7:30 ng gabi at lumabas siya ng bahay upang hindi umano lumala ang away. Ma­tapos umano siyang magpagala-gala sa Quiapo at uminom ng alak ay umuwi siya ng alas-4:30 ng madaling-araw subalit nakita niyang sobrang galit pa ng misis at lasing din umano matapos makipag-inuman sa kapitbahay na nagdiwang ng kaarawan.

Kinalmot pa umano siya ng misis at tinangkang saksakin kaya nasaktan niya ang biktima upang tumigil hanggang sa muling umalis siya ng bahay at nagpalipas ng oras sa Luneta.

Sa pagbalik muli sa bahay dakong alas-6 ng umaga ay  nagulat siya nang malamang nagbigti ang misis.

Sa salaysay ni Lope Javier, kapatid ng biktima, nakita nito ang biktima na pumasok sa loob ng banyo matapos na ang paki­kipag-inuman sa kanilang kapitbahay at hindi ito luma­labas hanggang sa natuklasang nagpakamatay sa pamamagi­tan ng  pagbigti gamit ang tela.

Nakuha ni Lope sa tabi ng kanyang kapatid ang isang suicide note kung saan nagsa­saad ang paghingi nito ng tawad sa kanyang anak at asawa. Hiniling din nito na sana tumigil na sa pambababae ang kanyang mister.

Aminado si Jonald na may karelasyon siyang babae. Nani­niwala naman ang pulisya na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima dahil mismong kapatid nito ang nagpatunay na nagpakamatay ito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AMINADO

JONALD

LOPE JAVIER

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY CHILLES HOSPITAL

NERISSA VILLANUEVA

PAREDES ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with