Nakaw para raw sa gatas

MANILA, Philippines - Wala umanong pera ang 17 anyos na da­la­gitang ina na kinilala sa alyas na Gina para maibili niya ng gatas ang kanyang anak kaya naisipan niyang mandukot ng cellphone sa isang pamilihan sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Pero minalas si Gina na mahuli ng mga awtoridad makaraang mandukot ng cellphone ng isa sa mga tao sa Puregold sa Pritil, Tondo.

Ikinatwiran naman ng suspek na nagawa lamang niya ang krimen dahil kailangan niya ng pambili ng gatas ng kanyang da­lawang taong gulang na anak na nasa panga­nga­laga ng kaniyang tiyahin. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments