PSE nasunugan

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa higit dalawang oras na sunog sa basement ng gusali na inu­upahan ng Philippine Stock Exchange sa Ortigas Center, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang madiskubre ang apoy sa basement ng Tektite Towers sa Ortigas Center.

Nabatid na nagmula ang apoy sa “electrical room” ng basement at mabilis na kumalat. (Danilo Garcia)

Show comments