^

Metro

Vendor lasog sa truck

-

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang ciga­rette vendor matapos itong mahagip ng isang trailer truck habang nakatayo sa may Manila International Container Terminal (MICT) sa Tondo, Maynila.

Namatay sa lugar ng insidente matapos na mag­­kalasug-lasog ang katawan ng biktimag si Eliza Espinola, 19, ng Area-F, Gate 20 Parola Compound Tondo ng na­sabing lungsod. Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Er­nan Vizconde, 44, driver ng Isuzu truck (REL 889) na siyang naka­sagasa sa biktima.

Sa report ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-11:47 ng gabi kama­ka­lawa nang maganap ang insidente sa holding area ng trailer trucks ng MICT sa Tondo.

Minamaneho  umano ng suspek ang truck subalit hindi nito napansin na nakatayo na pala sa gilid ang biktima kaya’t aksiden­teng nahagip niya ito.

Hindi rin umano naram­daman ng suspek na na­ha­gip na niya ang biktima kaya’t tuloy pa rin nitong pinaaandar ang truck kayat nagkalasug-lasog ang katawan ni Espinola.

Nakatakdang sampa­han ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek. (Gemma Amargo-Garcia)


vuukle comment

AREA-F

ELIZA ESPINOLA

ESPINOLA

GEMMA AMARGO-GARCIA

ISUZU

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER TERMINAL

MANILA TRAFFIC BUREAU

PAROLA COMPOUND TONDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with