^

Metro

Cook kinatay ng holdaper

-

MANILA, Philippines - Sinaksak sa leeg  ang isang 26-anyos na cook ng isa sa apat na holdaper na ikinasawi nito, sa loob ng pinagtatrabahuhang videoke bar, kahapon ng ma­daling-araw,  sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Bernardo Majait, 26, binata, cook sa “Bahala na Kahit Saan Videoke Bar na matatagpuan sa Simeon de Jesus St., San Rafael Village. Balut, Tondo, Maynila at residente ng Road 10, Meralco Compound, , NBBS Navotas,  Metro Manila.

Itinurong mga suspek sina Raymart Adonis, 18, ; Anju Cua, alyas “kambal”, 18, at dalawang kilala lamang sa alyas na “Nonoy at Atan”.

Sa ulat  ni SPO2 Edmund Cabal ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing videoke bar.

Nabatid na bago ang insi­dente, nag-iinuman ang mga suspek sa kalye sa harap ng kanilang bahay sa Malaya st., nang magkayayaan ang mga ito na pumasok sa naturang videoke bar at nagkataong naroon naman ang pinsan ni Adonis na nakilalang si Ueri Habuitahi, na may kasama ding mga kaibigan at nakahalubilo pa umano sa grupo ng suspek.

Makalipas ang ilang oras ay naunang umalis ang grupo ni Habuitahi at naiwan umano ang mga suspek.

Nabatid na nakita pang lumabas ang mga suspek sa videoke bar at maya-maya umano ay bumalik sa loob ng videoke bar at tinutukan ng baril at patalim umano ang mga empleyado ng videoke.

Kinolekta ang dalawang cellphone ng dalawang waiter at ang pera sa cashier na aabot sa P12,000 kasama ang mga barya.

Nang lumabas mula sa kusina si Majait  ay nakita ang nagaganap na holdapan at nanlaban umano ito . Nang mag­pang-abot ang suspek at si Adonis sa loob ng comfort room ay dito na binurdahan ng saksak sa leeg ng suspek ang biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANJU CUA

BERNARDO MAJAIT

EDMUND CABAL

JESUS ST.

KAHIT SAAN VIDEOKE BAR

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MERALCO COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with