Laboratoryo ng shabu sa Quezon City sinalakay

MANILA, Philippines - Isang laboratoryo ng shabu ang sinalakay ng mga operatiba ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang apartment unit sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PDEA Di­rector General Dioniso Santiago, sa kanilang pag­salakay sa Unit 1003 BGISIS Mansion on N.S. Amoranto Avenue ay na­samsam nila ang mga shabu paraphernalia at equipment na panguna­hing sangkap sa paggawa ng iligal na droga.

Sa ulat, ganap na alas- 6:30 ng gabi nang lusubin ng tropa ng PDEA at Ma­ nila Police District sa pa­ngunguna ni Supt. Nelson Yabut ang nasa­bing unit.

Ayon kay Yabut, halos isang linggo nilang sinur­veillance ang nasabing lugar matapos makum­pirma na kabilang ito sa pinaglalagakan ng mga kemikal sa paggawa ng droga.

Magkagayunman, bi­go naman ang mga awto­ridad na madakip ang sinasa­bing may-ari ng na­sabing unit na natukoy sa panga­lang Peter Chiu, na umano’y nakitang uma­lis sa lugar kasama ang kan­yang kinakasama na na­kilalang si Mylene Do­nato noong pang Marso 16.

Natukoy ang nasabing lugar matapos na “ikanta” ng isang Victor Chiu ang si­na­sabing master che­mist na naaresto sa Ma­nila noong Marso 4. Bukod pa ito sa iba pang lugar na nauna nang sinalakay ng nasabing awtoridad.

Samantala, disma­yado naman si Yabut sa pagka­wala ni Chiu na ayon sa kanyang impor­masyon ay huling nakitang iniiskortan ng ilang pulis mula sa Que­zon City Police-Sta­tion 1 na pina­mumunuan ni Supt. Nor­berto Babagay sakay ng isang mobile patrol car.

Kaugnay nito, agad na sinibak kahapon sa tung­kulin ng pamunuan ng Central Police District (CPD) si Babagay kung saan pansamantala itong pi­nalitan ni Supt. Teofilo Javier.

Show comments