Preso lumaklak ng sabon

Nasa kritikal na kon­dis­yon ang isang preso ng Marikina City jail ma­karaang lumaklak ng sabong panlaba ma­tapos na malungkot dahil sa walang duma­law sa kan­yang mga mahal sa buhay noong nakaraang Pasko sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang   preso na si Jay-Ar Mendoza, 19, may kasong robbery at nakapiit sa Selda Uno ng nasabing piitan.

Ayon kay Marikina City Jail Warden Chief Insp. Paulino Moreno Jr, dakong alas-6 ng umaga kahapon nang madis­kubre ng kanyang mga kasamang preso ang ginawang tang­kang pag­papakamatay ng biktima.

Nabatid sa isang ka­samahan ng biktima na paggising niya ay laking gulat na lang niya nang makitang bumubula na ang bibig ni Mendoza kaya agad itong humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan sa selda upang madala ito sa Amang Rodriguez Me­di­cal Center kung saan pa­tuloy pa rin itong naki­ki­paglaban sa kama­tayan.

Nakuha sa loob ng selda ang basyong lalag­yan ng isang powder na sabong panlaba at bote ng softdrinks kung saan nilagyan ito ng tubig upang doon tunawin ang sabon at saka ininom. 

Lumalabas sa im­ bes­­ti­­gasyon na sobrang ka­lungkutan umano ang dahilan ng paglalason ng biktima matapos na walang dumalaw na mga mahal sa buhay sa kanya ng nakaraang Pasko.

Dahil sa pangyayari ay nagsagawa ng ins­peksyon ang pamunuan ng Marikina City Jail sa buong selda at alisin ang mga bagay na pwedeng gawing instrumento ng isang preso para magpa­kamatay upang hindi na maulit ang pangyayari.

Show comments