^

Metro

Agawan sa mikropono, lalaki tinodas sa KTV bar

-

Dahil umano sa aga­wan sa mikropono   isang lalaki ang nasawi makara­ang pagtulungan itong gulpihin at pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalaki­han sa loob ng videoke bar kahapon ng madaling-araw sa San Juan.

Nakilala ang nasawi na si Arnold Paderna, resi­dente ng Pureza St., Sta Mesa Manila sanhi ng tinamong   dalawang tama ng saksak sa kilikili.

Samantalang nadakip naman ang isa sa tatlong suspek na kinilalang si Ray­mond Pedrizo, 35, jeepney driver at residente ng nasabing lungsod, ha­bang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan.

Batay sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling- araw ng maganap ang insidente sa U&Z KTV and Resto Bar na matatagpuan sa 39 G. Araneta Ave. kanto ng N. Domingo St. Brgy. Progreso San Juan.

Nabatid na bago na­ganap ang insidente ay sabay na nag-iinuman sa magkaibang lamesa ang grupo ng suspek at ang biktima na nang malasing na ay nagtalo umano dahil sa mikropono. Nag-aaga­wan ang mga ito kung sino ang unang kakanta.

Matapos ang ilang san­dali ay tumayo ang biktima upang pumunta sa paliku­ran para umihi subalit lingid sa kanya ay sinundan siya ng isa sa mga suspek at doon ay pinagsusuntok hanggang sa pagtulungan na itong gulpihin ng mga kasamahan at saksakin ng dalawang ulit.

Matapos ang pananak­sak ay mabilis na tumakas ang mga suspek at tanging si Pedrizo lamang ang nahuli ng mga rumespon­deng pulisya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARANETA AVE

ARNOLD PADERNA

DOMINGO ST. BRGY

EDWIN BALASA

MATAPOS

PEDRIZO

PROGRESO SAN JUAN

PUREZA ST.

RESTO BAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with