^

Metro

Lola ni Pauleen Luna todas sa holdaper

- Ni Ludy Bermudo -

Bumulagta sa palengke matapos barilin ang 62-anyos na lola umano ng aktres na si Pauleen Luna, nang man­la­ban sa holdaper habang naniningil ng pautang sa mga vendor, sa Sta. Cruz, May­nila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa kalapit na Chinese Gene­ral Hospital ang biktimang si Mercedita Jimenez, mas kilala sa tawag na “Ka Baby”, ne­gosyante, residente ng   Felix Huertas St., Sta Cruz, Manila na nagtamo ng tama ng bala sa leeg at dibdib mula sa kalibre .45 baril ng hol­daper.

Bugbog sarado sa mga taong palengke ang naares­tong suspect na kinilalang si Edison Antonio, 46, miyem­bro ng “Guardians” Quezon City Chapter, at residente ng Pilar St., sa Manuguit , Tondo.

Sa ulat ni Det. Dave Tuazon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Sec­tion, dakong alas-6 ng umaga ay naniningil umano ng pa­utang ang biktima sa mga tindera sa kanto ng Oroquieta at Antipolo Sts., sa Blumentritt Sta. Cruz, Maynila nang lapi­tan siya ng suspect at agawin ang dalang bag ng biktima.

Gayunman nanlaban ang matanda kung kaya pinapu­tukan ito nang malapitan ng suspect.

Nang maalarma ang ma­raming tindero at mamimili, mabilis na hinabol at kinuyog ang papatakas na suspect na tinantanan lamang nang mag­mistulang lantang gulay.

Narekober mula sa sus­pect ang gamit na baril at isang bag na may lamang iba’t ibang identification cards at isa rito ang ID niya bilang mi­yembro ng “Guardians Mahar­lika Inc., Unang Sigaw Clover­leaf, Quezon City Chapter”.

Hindi narekober ang ina­gaw na bag ng biktima na hini­hinalang may salapi.

Naging palaisipan naman sa awtoridad kung bakit may larawan ng biktima ang bag na pag-aari ng suspect.

Sa pulisya, aminado ang suspect na napag-utusan lamang siya na gawin ang pag­patay subalit hindi ikina­kanta ang nag-utos sa kanya.

Nabatid pa sa rekord ng pulisya, isa ang nasabing suspect sa pinaghihinalaang may kagagawan ng pagpatay at panghoholdap sa isang “Ka Pabling” na kolektor umano ng Rural Bank sa nasabi ring palengke.

Nakapiit na ang suspect habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang kasabwat ng nadakip na si Antonio.

Ayon sa ilang miron, may nakaantabay pang isang lalaki na posible umanong pi­nagpasahan ng bag na hinol­dap ng suspect.

vuukle comment

ANTIPOLO STS

BLUMENTRITT STA

CHINESE GENE

CRUZ

DAVE TUAZON

EDISON ANTONIO

FELIX HUERTAS ST.

QUEZON CITY CHAPTER

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with