Pailaw sa QC, pinatindi

Upang maibsan ang iba’t ibang uri ng krimen at pamamayagpag ng mga kriminal , pinatindi ni Quezon City Mayor   Feli­ciano “SB” Belmonte ang proyekto sa pag­ papa-ilaw sa mga lansa­ngan sa lungsod.

Inutos ni Belmonte ang expansion ng street lighting program sa lung­­sod na may 60 per­cent. Ayon sa ulat ni City Admi­nistrator Atty. Pa­quito Ochoa na may kabuuang 5,934 street lighting faci­lities sa mga pangu­na­hing lansangan sa lung­sod, business at develop­ment centers, crime prone areas at ba­rangays ang kanilang napailawan.

Sa kabuuang bilang may 4,942 ang naipa­tupad   ng SB adminis­tra­­tion at ang nalalabing 992 ay kontrata sa labas.

Inulat pa ni Ochoa kay Belmonte na na­tapos na nila ang mala­wakang repair at ­ng kasalukuyang mga ilaw sa lansangan ng lung­sod na may 3,405

Kaugnay nito, target ng city government na maglagay ng may 12,106 na bagong streetlights sa susunod na tatlong taon upang mapunan ang electricity facility require­ment sa QC.

Ang city government ay nagbabayad ng ave­rage na P33,042,362.12 sa kuryente kada buwan o kabuuang P396,515,545.43 kada taon para sa may 1,053 owned at controlled properties tulad ng mga paaralan, local govern­ ment offices, health centers, public libraries, palengke, parks at play­ground, sports complex at street lights. (Angie dela Cruz)

Show comments