FEU pinagbabayad ng SC sa nabaril na estudyante

Pinagbabayad ng ma­higit sa dalawang daang libong piso ng Korte Su­prema ang Far Eastern University (FEU) matapos na aksidenteng mabaril at masugatan ng isang se­cu­rity guard ang isang es­tudyante sa naturang pa­aralan.

Ito ay matapos na ba­lig­tarin ng Supreme Court (SC) 3rd division ang na­unang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagba­ba­sura sa reklamo ni Joseph Saludaga isang 2nd year law student sa FEU nang maganap ang insidente.

Ayon sa SC, may con­tractual obligation ang isang paaralan sa mga nag-eenrol na estudyante na tiyakin ang kanilang kalig­tasan at hindi lamang ang pagbibigay ng edukas­yon sa mga ito.

Iginiit pa ng SC na dapat na  maging mahigpit ang FEU sa pagpili ng security agency at sa mga guwar­diyang itinatalaga sa pa­aralan upang masiguro ang seguridad ng mga es­tud­yanteng nag-aaral dito.

Base sa rekord ng korte, naglalakad si Salu­daga patungo sa kanyang klase noong Agosto 18, 1996 nang mabaril ito ng security guard na si Ale­jandro Rosete na nasa ilalim ng Galaxy Develop­ment and Management Corporation.

Pinawalang-sala na­man ng korte si Edilberto de Jesus na siyang pa­ngulo ng FEU nang ma­ganap ang insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments