^

Metro

16 oras walang tubig sa Parañaque

-

Labing-anim na oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga lugar sa Parañaque City mula alas- 12:30 ng madaling-araw hanggang alas-4:30 ng hapon sa Huwebes, Mayo 1. Ayon sa Maynilad Waters, ang pag­­ka­wala ng suplay ng tubig ay bunga ng gagawing pag­kakabit ng 300-mm pipelines sa kasalukuyang 400-mm mainline sa kaha­baan ng Quirino Ave. malapit sa K. Do­mingo St. at sa kasalukuyang 600-mm mainline sa ka­ha­baan ng Quirino Ave. malapit sa Pelaez St. sa naturang lungsod. Ang mga apektadong lugar ay ang Palanyag Road; J. De Leon; Gatchalian 1; R. Medina; Aurenina; Espiritu; Villa­nueva; Multinational; Green Court; Palan­yag/Canay­nay; Bernabe; Salvador Estate; at Claramen.

Gayundin, walang tubig sa mga lugar ng Villa Lourdes; Valley 2, 11, 12, 13, 14, 15; Fortunata Village; Dela Cruz Compound; Cruz Compound; Topland; SM/ LPHI/ Virra Mall; San Dionisio; La Huerta; Dongalo; Sto. Niño; at Tambo sa Parañaque. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADDRESS

CRUZ COMPOUND

DE LEON

DELA CRUZ COMPOUND

FORTUNATA VILLAGE

GREEN COURT

QUIRINO AVE

SHY

STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with