^

Scaffolding sa mall bumagsak: 1 patay

() - April 18, 2008 - 12:00am

Isang construction worker ang nasawi, habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na bumagsak ang tina­tapakan nilang scaffolding sa isang bagong mall sa Quezon City kahapon.

Nasawi sa loob ng East Avenue Medical Center dahil sa tinamong sugat sa ulo ang biktimang si Juan Mariano,  habang patuloy namang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU)  ang mga kasamahan nitong sina Rafael Tala at Rommel Panuelas.

Nagtamo naman ng mga galos at sugat sa katawan ngunit nasa maayos na kalagayan ang dalawa pang pintor na sina Rommel Ricamora at Lionel Ortiz.

Ayon kay Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa ginagawang parking area sa bahagi ng Mindanao Avenue ng Trinoma Mall na pag-aari ng Ayala Land Corportion.

Nabatid na nagpipintura ang mga biktima nang biglang ma­kalas ang tinatapakan nilang scaffolding buhat sa ikalawang pa­lapag. Nabagok ang ulo ng mga biktima at nabagsakan ng mga bakal sanhi ng agad na pagkamatay ni Mariano.

Nangako naman si Alfie Reyes, tagapagsalita ng Ayala Land na sasagutin nila lahat ng gastusin ng mga biktima at kasa­luku­yan nang nagsasagawa ng imbestigasyon upang mabatid kung nagkaroon ng kapabayaan ang contractor ng naturang mall. Nag­pa­hayag rin ng pagkalungkot si Reyes sa naganap ang aksidente at sinabing wala namang gustong mangyari ito. (Danilo Garcia)

ALFIE REYES AYALA LAND CORPORTION DANILO GARCIA EAST AVENUE MEDICAL CENTER JUAN MARIANO LIONEL ORTIZ MINDANAO AVENUE QUEZON CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with