Suspect sa masaker kinasuhan na

Pormal  nang sinampahan ng kaso kahapon sa piskalya ng lungsod ng Caloocan ang sus­pek na responsable sa pag­masaker sa kanyang ka­patid at dalawang pa­mang­ kin nito.

Ang suspek na si Ramon Rodney Isaac, 25, binata, ay kina­suhan ng robbery with mul­tiple homicide ng pamu­nuan ng Caloocan City Police sa tang­gapan ni Caloocan City Pro­secutor Manuel Caidic.

Nabatid na si Isaac ay bun­song kapatid ng biktimang si Marife Ordonio, 36; at ka­sa­mang pinatay ang kanyang dalawang anak na sina Mark Jonh, 12; Jovrie Ivan, 4-anyos.

Matatandaan, noong Lu­nes, dakong alas-11 ng gabi ay na­tagpuan ang bangkay ng mag-iina mismo sa loob ng bahay ng mga ito sa Block 11, Lot 13, Phase 2, Natividad Sub­division, Brgy. Deparo, Ca­loocan City.

Samantala, hindi sukat aka­lain ni Joseph Ordonio, padre de pamilya ng mga biktima, na ma­ga­gawa ng kanyang bayaw na si Isaac na patayin at pagna­kawan ang kanyang mag-iina. (Lordeth Bonilla)

Show comments