^

Metro

Trader na Tsinoy, kritikal sa holdap

-

Kritikal ang isang ne­gos­yanteng Tsinoy at ang isang empleyado makara­ang ratratin ang una ng mga armadong holdaper  sa bigong P.5 milyong holdap, kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang negosyanteng si Stewart Co, 27, ay kasa­lu­kuyang inoobserbahan sa Makati Medical Center ma­tapos tamaan ng bala ng kalibre .9mm sa likod, ha­bang ginagamot din ma­ka­raang tamaan ng ligaw na bala si Allan Puncia nasa lugar na pinangya­rihan ng insidente sa panu­lukan ng Finlandia at Ba­tangas St., ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga ay nag-withdraw ng P.5 milyon sa isang sangay ng Bank of Philippine Island (BPI) sa panulukan ng Dian at Gil Puyat Avenue ang bikti­mang si Co at pagsakay sa kanyang berdeng Honda Accord ay sinundan ito ng apat na armadong lalaki na magka-angkas lulan ng dalawang motor­siklo.

Hinarang umano ng mga suspect si Co pag­dating sa Finlandia St., su­balit umiwas ito at pina­takbo pa rin ang kanyang sasakyan at dito agad siyang pinaulanan ng bala ng mga holdaper hang­gang sa bumangga ang sasakyan ng una sa isang nakaparadang Ford Eve­rest sa kanto ng Batangas St., Makati City.

Dito ay bumaba sa kan­yang sasakyan si Co at nagta­takbong pumasok sa loob ng Denjo Car Wash na pag-aari ni Jovelyn Paru­ngao bitbit ang pera na naka­lagay sa kanyang body bag habang patuloy siyang pinagbababaril ng mga suspect hanggang siya ay mahagip ng bala sa likurang bahagi ng kan­yang katawan.

Nagkataong nagpapa­linis naman ng kanyang sasakyan sa naturang car wash station si Puncia na noon ay nahagip din ng ligaw na  bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspect nang makatawag pansin na ang insidente sa maraming tao sa naturang lugar kung saan nabigo ang mga ito na makuha ang salapi ng biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALLAN PUNCIA

BANK OF PHILIPPINE ISLAND

BATANGAS ST.

DENJO CAR WASH

FINLANDIA ST.

FORD EVE

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with