Bihasa sa bilyar kinatay

Isang 23-anyos na sales agent ang pinagtulungang saksakin hanggang sa ma­patay ng isang grupo ng mag­kakamag-anak sa na­ganap na karahasan sa bil­yaran sa Baesa, Caloocan City kamakalawa.

Burdado ng saksak ng patalim ang biktimang si Ernie Tudlasan ng #368 Rose Street, Reparo ng na­banggit na lugar.

Tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Jimmy Boy Rosas, Jimmy Rosas at ang pinsang si Raymond Rosas na pawang nani­nirahan sa Jasmin Street ng nasabing lugar.

Sa ulat ni PO2 Felipe Woo, naganap ang krimen bandang alas-6 ng gabi sa loob ng bilyaran kung saan natalo ng biktima ang isa sa suspek na pinaniniwalaang malaking halaga ang na­ging pustahan.

Napag-alamang tinalo sa bilyar ng biktima ang suspek na si Jimmy Boy kung saan nagalit naman ang ibang suspek dahil hindi nila mababawi ang pustahan.

Dahil dito, pinagtu­lu­ngang pagsasaksakin ng mga suspek ang biktimang napatay naman.

Show comments