^

Metro

Buntis utas sa lover

- Ni Grace Dela Cruz -

Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang 27-anyos na  buntis ng kan­yang live-in partner dahil sa umano’y matin­ding selos ng huli ka­hapon ng hapon sa Port Area, Manila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Emi­lyn Manalo, re­si­dente ng Blk 9 Exten­sion Tam­bakan, Baseco Com­pound, sanhi ng tina­mong apat na bala ng baril sa kan­yang katawan.

Habang pinagha­ha­nap naman ang suspek na live-in-partner nito  na si Alyas Jordan Muslim.

Nabatid sa imbesti­gas­­yon ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa loob ng ka­nilang bahay.

Nagkaroon umano ng ma­tinding pagtatalo sa pagi­tan ng maglive-in dahil sa umano’y matin­ding pag­seselos ng sus­pek at pag­dududa na hindi nito anak ang dala­wang buwang dina­dala sa loob ng sinapu­punan ng biktima.

Tinangka pa uma­nong lumaban ng biktima sa sus­pek dahil ng ma­tag­­puan ito ay may ha­wak pa itong kutsilyo sa kanyang kamay.

Nakuha sa loob ng bahay ng mag-live-in part­­ner ang isang holster ng .38 kalibre ng baril at kutsilyo.

Nabatid na tinangay ng suspek ang kanilang anak na nakilalang si Baby boy kulot, 2, sa isi­na­gawa nitong  pagtakas.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya upang agad na ma­dakip ang suspek.

vuukle comment

ALYAS JORDAN MUSLIM

BASECO COM

EMI

EXTEN

NABATID

PORT AREA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with